Pahayag mula kay Evelyn T. Mendez, Registrar ng Mga Botante ng County ng Sonoma
Published: September 01, 2026
Bilang Registrar ng Mga Botante, sinusubaybayan ko ang mga pagbabago sa mga hukuman na posibleng makaapekto sa mga legal na hamon sa mga panuntunan ng United States Postal Service at sa kung paano namin pinaglilingkuran ang aming mga botante. Dahil isinasaalang-alang pa rin ng mga hukuman ang mga bagay-bagay, wala kaming planong magpatupad ng mga bagong panuntunan dito sa County ng Sonoma.
Nauunawaan namin na posibleng magdulot ng pagkalito ang mga kamakailang headline tungkol sa mga potensiyal na pagbabago tungkol sa mga pamamaraan sa halalan. Maliban na lang kung iba ang mababalitaan namin mula sa Kalihim ng Estado ng California, walang magiging pagbabago sa mga pamamaraan ng Vote-by-Mail sa County ng Sonoma para sa Pangkalahatang Halalan sa Nob. 3, 2026. Ipinagmamalaki namin ang pagiging transparent, patas, at tumpak. Gusto naming hikayatin ang lahat ng aming botante na magtiwala sa mga proseso at pamamaraan ng halalan na mayroon kami para matiyak na Dahil papalapit na ang halalan, gusto naming ipaalala sa mga botante ang aming mga pangunahing nalalapit na deadline. Magsisimulang lumabas ang Mga Gabay sa Impormasyon ng Botante ng County sa katapusan ng Setyembre. Ipapadala ang mga balota ng Vote-by-Mail sa linggo ng Okt. 5. Magbubukas din ang bago naming tanggapan para sa Maagang Pagboto sa Personal sa Okt. 5. Matatagpuan na kami ngayon sa 3880 Brickway Blvd, Suite 200, na halos isang milya sa silangan ng Charles M. Schultz-Sonoma County Airport (Lunes hanggang Biyernes, mula 8 a.m. - 5 p.m.) Magkakaroon kami ng 32 Sentro ng Botohan na bukas para sa halalang ito, kung saan pito ang magbubukas sa Okt. 24 at may karagdagang 25 na magbubukas sa Okt. 31. Bisitahin ang aming website sa socovotes.com para sa kompletong listahan at mapa ng mga Sentro ng Botohan, at mga oras ng pagpapatakbo ng mga ito, at mga lokasyon ng 23 Opisyal na Drop Box ng Balota.
Bagama't sikat na opsiyon ang pagboto sa pamamagitan ng koreo, hinihikayat namin kayong dumaan sa isa sa aming mga Sentro ng Botohan o gamitin ang isa sa aming mga Opisyal na Drop Box ng Balota para isauli ang inyong balota. Laging itinuturing na nasa tamang oras ang mga balotang inilagay sa isa sa aming mga Opisyal na Drop Box ng Balota bago sumapit ang 8 p.m. sa Araw ng Halalan. Sa kabaliktaran naman, ang mga balotang ipinadala sa pamamagitan ng Postal Service ay kailangang lagyan ng tatak ng koreo sa o bago sumapit ang Araw ng Halalan, at matanggap sa loob ng pitong araw pagkatapos ng Araw ng Halalan para mabilang at maisama ang mga ito. Hindi ito garantisado kapag inilagay ang mga ito sa mga collection box ng Postal Service nang malapit na ang Araw ng Halalan.
Anumang opsiyon ang pipiliin ninyo, siguraduhing boboto kayo bago magsara ang mga botohan sa Nob. 3, 2026!
Sumasainyo,
Evelyn T. Mendez
Registrar ng Mga Botante ng County ng Sonoma
Translate